coma sa bawat araw na lumilipas ang mga litratong kumupas sa aking isipan ay bumabalot sa puso kong ito dahan-dahan nang umuulit ang bawat sakit at mapa-pait na mga ala-alang ika'y aking nasaktan gumuguho na ang mundo ko naglalakad sa sarili kong abo ngayon nandito ako sumisigaw,naliligaw sa mundong naliba sa mundong natatabaw ngayon nandito ako umiiyak,naghihintay sa iyong ngiti dito sa'ting panaginip sa bawat yugto na aking likha ay mga malungkot na tadhana pinipilit gumising umaasang mamulat ang mata dahan-dahan ko'ng ginuguhit ang bawat tamis at mala-lambing na mga ala-alang ika'y sakin' naghihintay gumuguho na ang puso ko namulat na ang mga mata'ng ito ngayon nandito ako dahan-dahang natatanaw ang mundong aking gawa mula sa aking luha ngayon nandito ako tumatakbo, inaabot ang iyong kamay at ang iyong pusong makulay sa pagikot ng mundong ito ang nais ko ika'y aking mapasaya ang tinago kong mga luha sa iyo ay aking iniwan na sa mundo ko ngayon nandito ako na yumayakap sa iyo patawarin mo ako nasaktan ko puso mo ngayon nandito ako hindi nang bibitawan pa ang iyong kamay dito sa'ting kuwento ng buhay kuwento ng buhay